Multiple Choice


Pihikan ka ba?

Minsan sa buhay natin, may mga bagay-bagay na kailangan nating piliin. Gaya ng kung ano ba ang gusto mong maging ulam, GALUNGGONG ba o tilapia; kung isa ka namang estudyante saan mo ba gustong tumambay, sa SILID-AKLATAN ba o sa may dotahan; kung manunulat ka anong uri ba ng PANITIKAN ang gusto mong maging pinakatatak o di kaya naman kung isa kang modelo sigurado kang hahanapin at pipiliin mo ang pwesto na siyang magpapamalas ng iyong kagandahan sa iyong LARAWAN.

Kapag nakapili na tayo, tsaka lang natin mahiHINUHA na isa mga napili natin ay isa pa lang MALIGNOng nag-papanggap na anghel. Akala natin makabubuti ito. Pero hindi, ito pala ang unti-unting sisira sa mga gusto nating mangyari sa buhay natin. Pero sige, tanggapin natin lahat ang mga MALIGNOng gustong manira sa mga pangarap natin. Lapitan. Sayawan. Sabayan mo lang ang indak ng MALIGNOng sumasayaw sa harap natin gaya ng pag-sayaw ng SARANGOLAng nag-pupumilit lumipad para bigyang ligaya ang may hawak ng pisi nito. Kung sakaling papatayin ka ng MALIGNO. Eh di lumaban ka. Kung hindi mo na kaya, siguradong may isang BAYANIng handang tulungan ka. O kung hindi naman, may isang taong gagamot sa mga sugat at siya ring aakay sayo upang ikay muling makalipad gaya ng isang SARANGOLA.

Andami nating gustong mangyari sa buhay natin. Minsan dumarating tayo sa puntong nalilito na tayo kung ano ba ang pipiliin natin. Aling daan ba ang ating tatahakin? Minsan para tayong isang KULISAP na lumilipad na hindi mahanap ang daan patungo sa kanyang gustong puntahan. Sana may isang KAGAWARAN sa utak natin na siyang mamimili ng desisyon na hindi natin pag-sisihan o sana wala na lang tayong mapag-pipilian. Pero hindi, mas-nakakabagot pala ang buhay kung walang MALIGNOng humahabol sa atin at kung walang mga pag-pipilian.

Sige, pumili lang. Huwag mo na lang isipin kung ano ang magiging kalalabasan ng iyong mga pipiliin. Sa mga quizzes or exam, mas malaki ang chance nating pumasa kahit hindi tayo nakapag-review kung multiple choice type ito. Ganun din sa buhay mas maraming pag-pipilian, mas-masaya. Kung gusto mong tumakbo o mag-lakad ng nakayapak sa sementong sobrang init, eh di gawin mo. Sigurado namang makahahanap ka ng DAMUHANg iyong maapakan na siyang papawi sa hapding iyong nararamdaman.

Ito ay lahok sa “BAGSIK NG PANITIKAN” contest ng Damuhan.


Set Fire to the Rain


It’s really true that music can alter our mood and makes us feel more better when we have problems. Just like the music of Adele who makes me feel so emotional every time I hear her voice. It started when I first heard Someone Like You which truly captured my heart because she sang the song with emotion and passion. And now her song Set Fire to the Rain is next to my favorite song which is You’re not Alone by Soasin.

“I let it fall, my heart And as it fell, you rose to claim it. It was dark and I was over, Until you kissed my lips and you saved me…”


Unofficially Yours Teaser


Perhaps, another Friends With Benefits/No Strings Attached/500 Days of Summer movie and I hope there’s something different from this movie that will surely make this movie a big hit…


Kung Sila Lamang ay Nakakapagsalita


ISIP-IPIS
Kayo ay titili at tatakbo
kapag ako’y nakita niyo.
Pamalo ang inyong kukunin
para ako’y papatayin.

Peste kung akoy inyong ituring
na kailangang ubusin.
Ngunit kalikasan ba’y peste rin 
na kailangang wasakin.

Sa mga nagkakasakit,
isa ako sa mga sinisisi.
Ako nga ba talaga
o baka kayo naman ang may sala.

Insecticide o pesticide
ay hindi na kailangan.
Ugali lang ang palitan
tiyak na ang aking kamatayan.

Talinoy huwag sayangin
Utak ay gamitin.
Mag-isip.

ULAPaap

Kapag malayo ka
ako’y iyong makikita.
Kapag malapit ka
ako’y iyong madarama.


Kapag ako ay puti
ako palamang ay kakaunti.
Hintayin mo akong dumami
tiyak mahuhulog ako kahit hindi ka pa ready.


Sa tao, sa hayop at sa halaman
ang dulot ko ay kaginhawaan.
Kaya mga kaibigan
kalikasay inyong alagaan.
Para ako ay inyong maasahan
at ng sagayon ang baha at tagtuyot ay maiwasan.


Huwag Kang Plastik

Ako si poly
Ginagamit ng marami
Hindi mo pa ako tinatawag
ako na’y iyong hawak.

Pang-opisina.
Pang-kusina.
Kahit saan akoy makikita.

Huwag ka nang magkaila.
Ginamit mo ako kanina.
Pero O.K. lang.
Sigurado naman ako na kapag patay ka na
ako’y buhay pa

Gisingin ang Puso – Liezel Garcia


Sa ganda ng kwento ng Pure Love(49 Days) na palabas ngayon sa ABS-CBN ay nangangailangan ito ng magandang theme song buti na lang at binigyan ng pag-kakataon si Liezel na awitin ang OST nito.

Nadarama ko pa ang ‘yong mga halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa tila naririto ka pa
Naririnig mo ba
Mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta

Sa bawat araw bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko
Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit ‘di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito sana’y gisingin ang aking puso

Ngayo’y nangungulila sa iyong mga lambing at pag suyo sinta
Maibabalik pa ba kung wala nang pag ibig mong wagas

Sa bawat araw bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko oohhh
Ala ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit din na lang pawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito sana’y gisingin ang aking puso

Ikaw ang nasa isip ko ooohhh
Ala ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit din na lang pawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito sana’y gisingin ang aking puso
(Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo)
Kung panaginip lang ito sana’y gisingin ang aking puso


Honey and the Bee: Owl City


As usual, very catchy ang bagong song niya. Hindi nakakapagod sa tenga.


A Millionaire’s First Love


Senti mode. Luhaang mata ang naging epekto sa akin ng pelikulang ito. Ikaw, gusto mo rin bang mahawa?

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13


100 Days with Mr. Arrogant


Marami sa atin ang ginagawa ang kahit ano para lang sa taong kanyang minamahal. Mag-aaral ng mabuti. Magpapakatino. Susuwayin ang mga magulang. Ikaw, paano ka magmahal at anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo?

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10


Sinong humahabol sa akin?


Tumakbo ako ng matagal

hanggang ang katawan ko’y maging pagal.

Huminto ako para mamahinga

para ang paisa-isa kong hininga ay dumami pa.

 

Tumakbo ako ng matagal

kahit sa katawan ko ito ay bawal.

Huminto ako para mamahinga

dahil ako na’y nawawalan ng hininga.

 

Sino nga bang humahabol sa akin

para ako’y tumakbo ng ganito katulin?

Sino bang tutulong sakin

para ang pag-takbo’y hihinto ko na rin?

 

Bigla akong huminto

para tignan kung sino ang nasa likod ko.

At ako ay nabigla

sapagkat wala pala.

 

Sana noon ko pa ginawa

para hindi puro pagtakbo ang aking nagawa.

Sayang ang nakaraan

at ito’y hindi ko na kayang balikan.

 

Tatakbo pa ba ako?

Siguro?

Hihinto ba ako?

Siguradong OO.

 

 


Bakit Nga Ba?


Kailangan kita

Pero wala kana.

Tinatawag ka

Ngunit diwa mo’y nasa iba

Nasaan ka,

Hindi kita makita?

Nasaan ka na,

Bakit ang dali mong nawala?

Bakit mo ako iniwan?

Bakit hindi mo ako pinagtiyagaan?

Bakit?

Bakit nga ba?

 


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.